Tuesday, March 20, 2018

# alamat # alamat ng saging

Ang Alamat ng Saging

Noong unang panahon, isang magandang babae ang nakakilala ng isang kakaibang lalaki. Ito ay isang engkanto. Masarap mangusap ang lalaki at maraming kuwento. Nabihag ang babae sa engkanto. Ipinagtapat naman ng engkanto na buhat siya sa lupain ng mga pangarap, at hindi sila maaaring magkasama. Gayunman, umibig ang babae sa lalaki.



Isang araw, nagpaalam ang binata. Sinabi niyang iyon na ang huling pagkikita nila. Nang magpaalam ang engkanto, hindi nakatiis ang babae. Ayaw niyang paalisin ang lalaki. Maghigpit niyang hinawakan ang kamay ng lalaki para huwag itong makaalis. Pero nawala ang lalaki, at sa matinding pagkabigla ng babae, naiwan sa kanya ang kamay nito. Nahintakutan ang babae. Dali-dali niyang ang kamay sa isang bahagi ng bakuran.



Kinaumagahan, dinalaw niya ang pook na pinagbaunan ng kamay. Napansin niyang isang halaman ang tumutubo. Makaraan ang ilang buwan, tumaas ang puno na may malalapad na dahon. Nagkabunga rin ito na may bulaklak na itsurang daliri ng mga kamay. Ito ang tinatawag na saging ngayon.

19 comments:

  1. sino po sumulat ng alamat ng saging

    ReplyDelete
  2. Kelan po nilikha ang alamat ng saging

    ReplyDelete
  3. Sino ang taga lathala:
    At anong taon ng pag lathala??

    ReplyDelete
  4. Parang ibanb version ito
    Diba pinutol yung kamay ng lalaki tapos itinanim ng babae

    ReplyDelete
  5. Kailan isunolat ang alamat ng saging?

    ReplyDelete
  6. Ginagamitan po ba ito ng pang-abay at panlunan? Tanong q Lang..

    ReplyDelete
  7. Pwede po ba paiklihin niyo pa po...

    ReplyDelete
  8. He he he bkit parang ang kwento?

    ReplyDelete