Noong unang panahon ay may isang magandang dalaga mula sa malayong bayan ng Tarlac na Rosa
ang pangalan.
Bukod sa angking kaganda ay nakilala rin si Rosa na gagawin ang lahat para mapatunayan ang tunay na pag-ibig.
Ayon sa kwento nakatakda nang ikasal si Rosa kay Mario nang matuklsang may malubhang sakit ang lalaki. Sa kabila ng lahat ay pinili ng dalaga na pakasal sila para mapaglingkuran ang lalaki hanggang sa mga huling sandali ng buhay nito.
Gayunman ay hindi pumayag si Mario. Anang binata ay sapat na sa kanya na baunin ang pag-ibig ng dala sa kabilang buhay.
Pinaglingkuran ni Rosa si Mario. Hindi siya umalis sa tabi nito. Ang ngiti niya ang nasisilayan ni Mario sa pagmulat ng mata at ang kanya ring mga ngiti ang baon nito sa pagtulog.
Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling bagay na nasilayan ni Mario bago panawan ng hininga.
Ang mga ngiti ni Rosa ay hindi napawi kahit nang ilibing si Mario at kahit nang dinadalaw ang puntod nito at pinagyayaman. Nang tanungin kung bakit hindi nawala ang ngiti sa mga labi ay ito ang sabi niya.
"Alam kong nasaan man si Mario ay ako lang ang babaing kanyang minahal. At alam ko rin na maghihintay siya sa akin para magkasama kami na hindi na maghihiwalay pa."
Naging inspirasyon ng iba ang ipinakitang lalim ng katapatan at pagmamahal ni Rosa sa katipan.
Bago namatay ay hiniling ni Rosa na sa tabi ng puntod ni Mario siya ilibing.
Kakatwang may tumubong halaman sa kanyang puntod at kayganda ng naging mga bulaklak.
Tinawag nilang rosas ang mga iyon bilang alaala ng isang dalagang simbolo ng tunay ng pag-ibig.
Tuesday, June 4, 2019
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Eto pala ang alamat nang ROSAS!!!Sakit.info
ReplyDeleteSana oll may pag ibig
ReplyDelete