Friday, October 7, 2016

# alamat # baka

Bakit Maluwag Ang Balat Ng Baka At Masikip Ang Balat Ng Kalabaw?

Noong araw may isang mayamang lalaki na nag-aalaga ng isang baka at isang kalabaw.
Katulong niya ang mga ito sa bukid, sa pagtatanim at mga ibang gawain.

Isang araw naisipan ng Baka at Kalabaw na maligo sa ilog. Inalis nila ang kanilang mga baro at lumublob sila sa tubig. Masaya silang lumalangoy-langoy nang matanaw nilang dumarating ang mabagsik nilang amo na may dala-dalang malaking pamalo.

Sa pagmamadali nilang makapagbihis, naisoot ng kalabaw ang baro ng baka, at naisoot naman ng baka ang baro ng kalabaw. Tumakbo sila para huwag maabutan ng among galit na galit.

Mabilis na nakalayo ang baka dahil luwag para sa kanya ang isinoot na baro. Ang kalabaw naman ay hindi nakatakbo dahil sa kasikipan ng soot. Inabutan siya ng amo at hinampas nang hinampas.

Mula noon, maluwag na ang damit ng baka, at masikip naman ang damit ng kalabaw at mas mabagal tumakbo.

2 comments:

  1. Hello po! Maitanong ko lang po sana kung sino po yung author ng alamat na to?

    ReplyDelete
  2. Ano po ang moral Ng story. Thank you po😘😘

    ReplyDelete