Wednesday, March 8, 2017

# alamat # diwata

Ang Pangarap ng Diwata

Sa isang kagubatan ay masayang nag lalaro ang lambana at iba pang uri ng engkanto na tahimik na nag babantay sa isang kagubatan. Isa na dito si Wana isang diwata na nais magkaroon ng kaibigang tao. Subalit isang daang taon na siyang nabubuhay sa mundo ay wala parin siyang nakikilala ni wala siyang ideya kung ano ang itsura ng tunay na tao. Narinig lamang niya iyon sa isang tikbalang na nakakita daw ng tao sa isang kakahuyan nuong bata pa lamang siya. Simula nuon ay ninais na niyang makakita ng tunay na tao.

Ang kaharian ng mga engkanto na gaya ni Wana ay sa likuran ng mga punong malalaki at
walang nkakapasok na kahit anong nilalang na galing sa labas ng kanilang kaharian o kahit anong nilalang na may isip na galing sa gubat. Maganda sa kanilang kaharian , masaya , walang problema. Ang lahat ng engkanto ay mag kakasundo at masayang nag lalaro. Subalit ang engkantong si Wana ay nag nanais ng kakaibang karanasan. Nais niyang lumabas sa kanilang kaharian at makita at makakilala ng mga tao.

"Naku hindi kaba masaya dito sa ating kaharian Wana?

Minsang tanong nga kaibigan nitong si Yumi, isa ring diwata.

"Masaya, kaso nag sasawa na kasi ako dito sa ating kaharian."

Sagot niya dito na walang kagatol-gatol.

Isang gabi habang nagpupulong ang pamilya ni Wana kasama siya at mga kapatid niya. Ay nasambit nya sa kanyang ama na nais niyang lumabas ng kaharian at makakita ng tao. Hindi niya inaasahan ang pag sagot nito sa kanya ng tinanong niya kung maari ba.

"Hindi maari! Hindi mo ba alam na masasama ang mga tao at mapanakit sila sa katulad nating mga engkanto? "

Ikinagulat ito ng diwata at hindi na lamang kumibo , subalit sa kanyang utak at isipan ay hindi pa rin iyon naalis. Narinig niya noon na mababait daw ang mga tao at hindi nanakit. Subalit bakit ganun ang sinabi ng kanyang amang engkanto?

Sa mga panahon at araw na lumilipas ay lalong nanabik ang diwata na makalabas sa kanilang kaharian.

Naglalakad ang dalagang engkanto isang araw sa isang masukal na daanan upang kumuha
ng prutas at pagkain na dadalhin niya sa kanilang tanahan ng isang mangkukulam ang nakasalubong niya at tinitigan siya nito ng matagal. Napahinto siya sa pag lalakad at tinanong ang matanda kung bakit siya nito tinitignan. Subalit iba ang sinagot nito sa kanya.

"Matutulungan kita sa pangarap mo. Kaya kong ibigay sa iyo ang daan upang makalabas dito sa ating kaharian at makakilala ng mga tao na pinapangarap mo. "

Nagulat ang magandang diwata at nag tanong siya sa matanda.

"Paano nyo po nalaman iyon?"

Tumawa lamang ito at nag salita.

"Ang tahanan ko ay nasa dulo ng gulod na iyon maari mo akong puntahan para akin kitang matulungan."

Isang kisap lamang ay nawala na ito sa kanyang paningin. Dali dali na lamang umuwi ang diwata sa kanilang tahanan at hindi na kumha ng pagkain.

Matagal na pinag isipan ni Wana ang pag punta sa bahay ng mangkukulam na nakatira sa gulod. Nabuo ang kanyang desisyon na puntahan iyon. Naglalakad na siya papunta roon ng makadama siya ng panlalamig sa katawan. Subalit hindi niya iyon pinansin. Hanggang sa makarating siya sa gulod. Nakita niya ang munting kubo na nakatayo sa ilalim puno at natatakpan na iyon ng mga ugat at makakapal na dahon. Lumapit siya sa bahay at tangka na niyang katukin iyon ng bigala itong bumukas at nagulat siya sa pag-labas ng matanda mula roon.

"Kanina pa kita hinihintay dahil alam kong darating ka"

Malamig na salita ng mangkukulam sa kanya.

"Tungkol po ito sa sinabi ninyo sa akin nuong nakaraang mag kasalubong tayo."

Ngumiti ang nakakatakot na matanda. Lumabas ang maiitim nitong ngipin at lalong kumulubot ang balat nito sa mukha.

"Nais kong pumunta sa lupa kung saan nakatira ang mga tao"

"At ano ang magiging kabayaran nito?"

Nagulat ang diwata sa sinabing iyon ng matanda. At napapapayag siya nitong ibigay ang gintong suklay na suot suot niya.

Binigyan siya ng matanda ng isang sambit ng magbubukas ng pinto patungo sa lugar ng mga mortal. Sa ilog niya ito gagawin subalit siya lamang ang pwedeng gumamit non at hindi na siya makakabalik oras na gawin niya iyo, Ngunit nanaig pa rin sa kanya ang kanyang nais.

Kabilugan iyon ng buwan buwan ng magpunta siya sa ilog. Sa malaking bato na nakaharang papunta sa malaking talon ay binigkas niya ang sambit na ibinigay sa kanya ng matanda upqng buksan ang pintuan na itinuro sa kanya nito.

Mahabang panahon na rin ang nakakalipas simula ng hindi nabubuksan ang pintuan patungo sa mundo ng imprtal. At pinag babawala na ang pag bukas nito dahil mapanganib na sa mga engkantong naninirahan dito.

Yumanig ang paligid at umabot ito sa buong kaharian ng mga engkanto. Na alarma ang mga naninirahan dito subalit ilang sandali pa ay may liwanag na lumabas mula sa liwanag galing sa bato. Na mangha ang diawata subalit takot naman iyon sa ibang engkantong nakaramdam niyon.

"May nagbubukas ng pintuan patungo sa mortal. " wika ng matandang tikbalang sa mga kapawa engkantong nasa loob ng tahanan nito.

"Masama ang pangitaing ito. Hindi nakakabuti. Kailangan nating isara ang pinto ngayun din."

Dali dali nilang pinuntahan ang ilog at nagulat sila ng nakabukas na ang pinto. Isinara nila iyon sambit ang ibang bulong na alam ng mga matatandang engkanto.

Nakalabas na si Wana, nakita niya ang paligid naglakad lakad siya at may nakita siyang isang tahanan sa sa tabi ng puno. May naglalarong bata sa tabi nito. Tangka niyang lapitan ito subalit ng makita siya nito ay dali-dali itong nag tatakbo at pumasok sa loob ng bahay. Sinundan niya ito, kumatok siya sa pinto at natanaw nya mula sa bintana ang takot na takot na itsura ng bata.

Nagtataka siya sa kakaibang itsura ng bata. Maliit ang tainga nito hindi katulad ng sa kanya. Kakaiba ang kasuotan na suot nito. Samantantalang ang kanya ay dahon lamang na tuyo na pinag tagpi-tagpi. Mayroon siyang mahabang buhok na umaabot na sa kanyang tuhod. Lalapitan sana niya ang bata ng bigala siya nito sinigawan. Subalit hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Natakot siya ng inambahan siya nitong babatuhin ng hawak nitong parang isang matalim na bagay. Dali dali siyang nag tatakbo palayo, nanginginig ang kanyang katawan.

Padilim na subalit lakad pa din siya ng lakad. Gutom na gutom na sya subalit walang pag kain siyang nakikita. Sa sobrang pagod at gutom na nararamdaman niya ay nanghina siya at bumagsak sa tabi ng isang puno.

Nagising na lamang siya na nakatutok ang muka ng isang bata at isang matandang babae sa kanya. Nakangiti ang dalawa sa kanya. Animoy nakikipag kaibigan sa estrangherong hindi nila kakilala. Nginitian siya nito. Nagsalita ang matanda. Subalit gaya ng nauna hindi rin niya ito naintindihan. Binigyan siya ng bata ng isang bagay. Alam niyang bunga iyon ng punong kahoy. inamoy niya ito at dahan dahan niyang kinagat. Kinain niya iyon at naubos niya ang binigay pa ng matanda sa kanya. Matahimik siya ng bigla siyang kalabitin ng matandang babae. Nakangiti ito at nag salita. Nagulat siya ng mag salita ito ng katulad ng kanilang lengwahe.

"Anong pangalan mo diwata?"

Tanong nito

"Wana po."

Kinuwento ng diwata kung paano siya napunta sa mundo ng mga mortal at kung bakit siya nag punta dito. Lumongkot ang mukha ng matanda at humarap ito sa kanya.

"Isa din akong diwata kami ng apo ko ay nakatira sa kaharian na pinaggalingan mo din. Subalit umalis ako doon upang sundan ang aking yumaong anak dito. "

Lumongkot din ang mukha ni Wana. Nauunawaan niya nag matanda.

"Hindi maganda ang naging trato ng mga tao sa katulad nating engkanto. Muntik na kaming mapatay ng mga tao. Mabuti na lamang at may natitira pa akong kapangyarihan noon. Humina ng humina ang aking katawan simula ng umalis ako sa kaharian. Sa ngayon ako ang katulad na lamang ng isang mortal. Subalit ninanais ko pa rin na masilayan ang kaharian na aking pinaggalingan. "

Nakaramdam ng pagsisi si Wana hindi na sana niya ninais ang ganito. Lumipas pa ng

lumipas ang panahon., Nasa lugar pa rin ng mortal ang diwatang si Wana. Nakakaramdam
na siya ng panghihina. Nasa labas ng bahay si Wana ng bigla na lamang may bumato sa kanyang ulo dahilan upang bumagsak ito. Nakita niya ang isang lalaki na papalapit sa kanya may hawak itong matalim na bagay at patutuko sa kanya..Kahit nanghihina ay dali daling siyang bumangon at nag tatakbo siya paloob sa bahay ng matanda. Umiiyak ang diwata. pinag babato ng tao ang bahay na pinag tataguan nito. Takot na takot ang diwata. Nawala na ang ingay sa labas. Nawala na rin ang lalaking nais siyang saktan. Dumating ang matanda at yumakap siya sa lola. Nais na niyang bumalik sa kanilang kaharian. Ayaw na niya sa mundo ng mga mortal . Ayaw na niyang mag-tagal pa dito. Gusto na niyang umuwi kung saan siya talaga nakatira.


Dumating na ang panahon para makabalik siya sa kanyang mundo. Sa tulong ng matandang tumulong sa kanya. Nag-punta sila sa ilog na pinanggalingan niya ng siya ay lumbas, ngunit hindi iyon naging mabuti sa kanilang pag alis. Isang grupo ng mga tao ang nakakita sa kanya at tinatangka siyang hulihin papalapit ito sa kanila, natakot ang diwata. Sinubukan sila nitong saktan sa pamamagitan ng pag babato ng mga matitigas na bahay. Palapit na iyon sa kanila ng bigkasin ni Wana ang sambit na tanda niya. Sa kamalasan ay tinamaan ang matandang diwata bumagsak ito at umiiyak na nag salita.

"Umalis na kayo at isama mo na ang apo ko... malapit ng magsara ang pintuan. At kayong dalawa na lamang ang may kakayahan upang makapasok sa pintuan."

Umiiyak ang bata at ang diwatang si Wana. Ayaw niyang iwanan ang matanda subalit, kailangan niyang maisalba ang buhay niya at ng bata. Dali dali niyang kinarga ang bata at patakbong tumalon sa pasara ng lagusan. Huli na lamang niyang narinig ang umiiyak na nasasakatang matanda.

Nakabalik na nga siya at ligtas na. Sa lagusan ay nakita niya ang kanyang pamilya at kaibigan kasama ang mga iba pang engkanto. Sinalubong siya nito at niyakap.

Umiiyak siya at malungkot na nagsalita.

"Patawwad po ama hindi ko kayo sinunod, hindi ko na po uulitin. "

Simula noon ay hindi na pumasok sa isipan niya na ang mundo na mananakit at sisira sa kanya.

No comments:

Post a Comment