Saturday, March 25, 2017

# alamat # araw

Ang Alamat ng Araw at Gabi

Noong unang panahon ay liwanag lamang at walang dilim, sapagkat sina Adlaw at Bulan ay mag-asawang maligayang namumuhay. Sila ay nagkaroon ng maraming anak. Ang kanilang mga anak ay mga tala at bituin na nagkakalat kung kaya't lalong nagliliwanag sa kalangitan.


Isang araw nagkaroon ng away ang mag-asawa na humantong sa paghihiwalay. Pinamili ang mga anak kung kanino sasama. Sapagkat mas mabait ang ina, sa kanya sumama ang lahat ng mga tala at bituin. Walang nagawa si Adlaw kundi tanggapin ang kanyang kapalaran. Simula noon. kapag araw mag-isang nagbibigay liwanag si Adlaw. At sa gabing madilim tulong-tulong na nagpapaliwanag ang mag-iinang Bulan at ang mga anak niyang tala at bituin.

1 comment:

  1. Grinco Casino Resort in Ridgefield, Washington, USA - MapYRO
    The Grinco Casino Resort is a Native American Casino located in 시흥 출장안마 Ridgefield, 아산 출장샵 Washington, 세종특별자치 출장안마 US. Rooms: 471 Rating: 서울특별 출장마사지 4.2 군포 출장마사지 · ‎4,641 votes

    ReplyDelete