Friday, July 1, 2016

# alamat # alamat ng magga

ALAMAT NG MANGGA

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben. Nagmana siya sa kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isang matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan ng damit.

Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalingin ang anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami ang nakikinabang ngayon sa bungang ito.

19 comments:

  1. kaya nga saan na ang mangga dun

    ReplyDelete
  2. Basahin nyo kac naging punong kahoy na hugis puso. Oh ano ba tinutukoy?

    ReplyDelete
  3. Kung gagawa ka ng alamat kailangan nagbibigay ka ng kahulugan ibig ipahiwatig halimbawa na lang yan "naging isang punong kahoy na hugis puso" tinutukoy nya ung mangga.

    ReplyDelete
  4. Ang alamat karamihan ng pangyayari di makatotohanan at bahid na makatotohanan kaya nga mapapaisip tayo na "ano namatay tapos naging mangga" tapos "bakit may diwata, hindi naman yan totoo ha"

    ReplyDelete
  5. Bakit nga ba mangga ang alamat? Si Ben makikita natin na may ginintuang puso at may malasakit sa kapwa. Alam natin ang mangga ay hugis puso at karamihan ng mangga kulay ginto o dilaw. Kaya siguro ginawang alamat ng mangga.

    ReplyDelete
  6. Sana po pinapagana muna ang utak bago magkomento Kung ano ano at aaminin ko hindi ako gumawa ng alamat pero binabasa ko ng maigi.

    ReplyDelete
  7. Basahin nio un kwento ng maigi.

    ReplyDelete
  8. 1.alin sa mga katangian Ng pangunahing tauhan Ang dapat na pamarisan Ng kabataan tulad mo?ipaliwanag Ang iyong sagot?
    2.anong kaugalian Ng pamilyang pilipino Ang sinasalamin sa mga pangyayari sa binasang alamat?
    3.paano naipakita sa alamat Ang kultura at kaugalian Ng mga tao sa guimaras?magbigay Ng patunay.
    4.ayon sa alamat ,ano Ang naging apekto Ng pangyayari sa Buhay Ng pamilya Nina Ben sa kabuhayan Ng mga tao sa lalawigan Ng guimaras?

    Plsss👏👏 pa answer namn

    ReplyDelete