Showing posts with label mga kwentong pinoy. Show all posts
Showing posts with label mga kwentong pinoy. Show all posts

Thursday, May 14, 2020

Alamat ng Langgam

8:23:00 AM 10 Comments
Sa isang malayong bayan ay may isang mag-anak na sobrang sipag. Mula ama hanggang sa ina at mga anak ay makikitang nagtatrabaho na sila pagsikat pa lang ng araw. Marami ang naiinggit sa samahan ng mag-anak dahil lahat ay nagtutulungan.

Ang kasipagan ng lahat ng miyembro ang dahilang kung kaya naman kapansin-pansin ang tuwina ay masagana nilang ani.

Sa kabila ng masaganang buhay ay hindi kinakitaan ng pagod ang mag-anak. Habang gumaganda ang kanilang kabuhayan ay lalo silang sumisipag.

"Sila ang gayahin ninyo para kayo umunlad," madalas ay payo ng matatanda sa iba.

Nagkaroon ng tag-gutom sa nasabing bayan. Pininsala ng labis na baha ang mga pananim. Karamihan sa mga taga-roon ay hindi nakapag-ipon ng makakain dahil nakuntento na lagi silang makapagtatanim.

Mabuti na lang at mabuti ang loob ng masisipag na mag-anak. Hinati nila sa mga kababayan ang mga pagkaing inipon nila.

"Walang masama na maging handa tayo sa mga panahong hindi inaasahan," anang ama ng pamilya. "Maging aral sana sa lahat ang pangyayaring ito."

"Napakayabang mo naman," wika ng isang lalaki na minasama ang narinig. "Nakapagbigay ka lang ng kaunti ay ang dami mong sinabi."

"Wala naman akong intensyong masama. Ibig ko lang pare-pareho tayong maging handa sa panahon ng pagsubok,"

"Ang sabihin mo ay mayabang ka dahil kailangan naming umasa sa inyo!" diin ng lalaki.

Natigil lamang ang diskusyon nang mamagitan ang isang matanda. Sinabi nito na mas kailangan nila ang magkasundo kaysa mag-away.

Hindi inakala ng lahat na magbubunga iyon ng trahedya. Nainsulto ang lalaki na dahil makitid ang isip ay binalak gumanti. Isang gabi ay sinunog nito ang bahay ng pamilya na humantong sa kamatayan ng mag-anak.

Nagluksa ang buong bayan.

Nanghinayang sila sa pagkawala ng pamilyang nagbukas sa isip nila sa halaga ng kasipagan.

Ilang buwan makaraang mailibing ang mag-anak, dalawang matanda ang dumalaw sa nasunog na bahay.

Agad ay napansin nilang ang isang grupo ng maliliit na insektong namamahay sa isang bahagi ng bakuran. Nakalinya ang mga ito at bawat isa ay may dalang butil na iniipon sa tirahan nila.


Nagkatinginan ang dalawang matanda. Alam nilang ang mga insektong iyon ay ang masisipag na mag-anak. Tinawag nila itong mga langgam.

Thursday, March 19, 2020

Alamat ng Bulkang Taal

4:59:00 PM 1 Comments
Mayroon isang Datu na bukod na maganda ang kanyang reputasyon, mabuti siyang pinuno, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang tawag sa kanya. Ang kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan.

Isang anak na babae ang madalas pagtuunan ng Datu. Bukod sa kaisa-isa lamang, magigiliw ka sa taglay nitong katangian. Maganda, mayumi at mahinhin si Taalita at mapagmahal sa sariling tradisyon at kultura. Prinsesa Lita o Taalita ang tawag sa kanya, na ang kahulugan ay Taal sa Tagalog at puspos ng ugaling kinagisnan.

Masasabing si Prinsesa Taal ay mahahalintulad sa pausbong na bulaklak na wala pang nakakadapong bubuyog upang higuping ang tamis ng kanyang pagmamahal. Ang kanyang kutis ay sariwa at humahalimuyak.

Dahil ang tirahan nila ay malapit sa lawa, nakahiligan ng Prinsesa Taal ang mamangka pagmalapit
ng  lumubog ang araw sa Lawa ng Bunbon.

Mayroon isang pagkakataon, pagkatapos mamangka ay luhaang humarap si Prinsesa Taal sa kanyang ama na si Haring Balinda:

"Ama, mapatawad po sana ninyo ako. Mayroon po akong kasalanan na nagawa. Pagkagalit ay huwag mo sanang magawa."

"Anak, bakit ka umiiyak ano ba ang nagawa mong pagkakamali?"

"Mahal kong ama, nahulog po ang singsing ko sa lawa habang ako'y namamangka," sagot ni Prinsesa Taal, na animo'y nahihintakutan.

"Ano! Dapat ay naging maingat ka. Iyan na lamang ang bagay na nag-papaalala sa amin ng iyong ina sa aming pagmamahalan. Ilan ninuno na natin ang napasali-salin sa singsing na iyan. Saksi iyan ng aming sumpaang binigkis ng nasira mong ina."

"Alam ko pong napakahalaga ng singsing. Minahal at pinakaingat-ingatan ko ang singsing gaya ng pagmamahal ko sa aking ina," sagot ni Prinsesa Taal na lumuluha.

Lumuhod si Prinsesa Taal sa harap ng ama.

"Anak, tumayo ka at huwak ng lumuha. Naguguluhan lamang ako sa narinig kong balita mula sa iyo. Alam mo ba ang singsing na iyan ay ibinilin pa sa akin ng iyong ina bago siya namatay. Sinabi niya sa akin na ipagkaloob ko sa iyo tanda ng kanyang pagmamahal at pag-alala sa iyo"

"Tumahan na anak at ang pagkagalit ko'y kinalimutan ko na," paamong wika ng Datu.

Niyakap ng Datu si Taal, na halos mapaiyak sa sandaling iyon.

"Huwag ka ng mabalisa, hahanap tayo ng magagaling lumangoy upang sisisrin ang nahulog mong singsing." paliwanag ng Datu.

"Salamat ng marami po, Ama ko," ako po'y nagagalak sa pang-unawa ninyo."

Ilang sandali pa ang lumipas. "Anak, hindi ba dapat ika'y mag-asawa na. Nasa tamang edad ka na para lumagay sa tahimik. Matanda na rin ako at kailangan ko ang isang matapang na Datu na siyang hahalili sa akin. Kailangan mo rin ng makakasama pag ako'y lumisan na," pakiusap ng Datu.

"Siya pong mangyayari Ama ko," Sagot ng Prinsesa.

Nagpaanunsyo kaagad ang Datu saan mang dako upang ipahayag ang kanyang nilalayon. Ipinaalam na kung sino ang makakakuha sa singsing ang nahulog sa sa Lawa ng Bunbon ay siyang mapapangasawa ng mayuming prinsesa. Ang balitang ito ay agad kumalat saan mang dako ng kapuluan. Maraming dugong bughaw ang dumating mula sa iba't ibang lugar. Kasama rito ang mga Morong Datu Myla sa Jolo at Tawi-tawi. Hindi rin nagpahuli ang angkan ni Bukaneg mula sa Kabisayaan at Kabikulan. Hindi rin nagpadaig ang Kapampangan at dumating si Dau Pisot upang subukan ang kapalaran. Sa sinamang palad walang sinuman ang nagtagumpay upang maibalik ang singsing ng prinsesa.

Marami ang araw ang lumipas sa paghihintay ng mag-ama. Pagkainip ang kanilang naramdaman.

Di kalaunan may isang Datu, ang humingi ng tulong sa mga anito. Panalangin tulungan siyang masisid ang nawawalang singsing mula sa Prinsesa. Datu Mulawin ang ngalan ng laslaki at nagmula siya sa Nasugbo.

Matiyaga niyang nilusong ang Lawa ng Bunbon. Mula umaga hanggang hapon. Walang tigil sa paglangoy.

Habang sa pagsisisid ni Datu Mulawin ay may nahuli siyang buteteng laot na malaki ang tiyan.Nagtaka ang lalaki dahil sa maliit na butete ay malaki na agad ang tiyan nito. Ginwa niyang hiwain ang tiyan nito upang malaman ang laman. Ngunit laking gulat niya ng matagpuan doon ang nawawalang sinsing ng Prinsesa.

"Isang himala ito!" laking tuwa ni Datu Mulawin. "Ito kaya ang tugon sa panalangin ko at magandang hangarin sa Prinsesa Taal?."

Kaya't ang pangako ng Pinunong Datu ay nangyari. Agad ipinakasal si Prinsesa Taal kay Mulawin. Nagdiwang ang buong balangay. Mayroon sayawan at kantahan, lahat maligaya sa nangyaring okasyon. Ang pagsasama ng mag-asawa ay nasaksihan ng boung balangay ang magagandang pamamalakad ni Datu Mulawin at masayang masaya si Prinsesa Taal sa piling ng asawa.

Subali't ang pagsasama ay hindi lagi masaya. Madalas ay may problema ring dumadating na siyang nagiging balakid sa pagsasama.

Isang gabi, Maliwanag ang sikat ng buwan, namasyal ang mag-asawa. Ang gabing iyon ang simula ng gulo sa kanilang pagsasama.

Mayroon isang matandang nuno pala an gang nagmamay-ari ng Lawa ng Bunbon. Matagal niyang sinusubaybayan ang takbo at pangyayari sa palasyo masayang pagsasama ni Datu Mulawin at Prinsesa Taal. Ang matandang nuno pala ay ay naiinggit sa sarap ng buhay sa palasyo at masayang pagsasama ng mag-asawa.

Nang gabi ring iyon ay namangka ang mag-asawa sa lawa. Habang sumasagwan si Datu Mulawin, siya naming kumakanta ang Prinsesa kasabay ang tugtog ng kumintang.

Nang Makita ng Prinsesa ang magandang bulaklak ng lotus, dahil nabighani ito, pilit niyang inabot. Sa kasamaang-palad ang prinsesa ay nahulog at lumubog. Bilis naman tinalon ni Datu Mulawin ang asawa upang sagipin. Subalit, kapwa sila lumubog. Lumubog sila dahil sa kapangyarihan ng matandang nuno na binalak silang mapinsala.

Ang mga alipin na nakakita sa pangyayari ay agad ibinalita sa tagaroon. Marami ang nagtangkang sisirin ang dalawa upang Makita ang bangkay. Ngunit nabigo silang lahat.

Mula noon, may isang pulo ang lumitaw sa gitna ng Lawa Bunbon. Ang tawag nila rito ay Bulkan Taal. Pangalang ibinigay ng Datung pumalit kay Mulawin. Tanda na rin ito para laging maalala si Datu Mulawin at Prinsesa Taal.

Thursday, August 1, 2019

Alamat ng Alitaptap

2:17:00 PM 0 Comments

Unang Bersyon:

Noong unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit na kulisap lamang. Ang mga kulisap na iyon ay walang dala-dalang apoy. Nguni’t ito ring mga kulisap na ito ang tinatawag natin ngayong ALITAPTAP. Bakit kaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na kikisap-kisap?

Gaya rin ng mga alitaptap ngayon, ang mga kulisap noong unang panahon ay gabi lamang kung lumipad. Naguni’t ayaw na ayaw nila ng mga gabing madilim. Ang ibig nila ay mga gabing maliwanag ang buwan. Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga damo. Nagtatago sila sa mga dahon at sa mga bulaklak. Sila ay takut na takot. Bakit kaya?

Isang gabing madilim, walang malamang pagtaguan ang mga kulisap na iyon. Nakakita sila ng isang punong sampaguita. Ang ilan sa kanila ay nagkubli sa nga bukong bulaklak nito. Mayroon namang nagkubli sa mga talulot.

“Bakit ba?” ang tanong ng sampaguita. “Bakit ba kayo nagtatago? Bakit ba kayo takot na takot?
Kayo ba ay natatakot sa dilim?”

“Hindi kami sa dilim natatakot,” ang sagot ng isang kulisap.

“At saan?” ang tanong ng sampaguita.

“Sa mga kabag-kabag,” ang sagot ng maraming kulisap.

“Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?” ang tanong ng sampaguita. “Inaano b akayo ng mga kabag-kabag?”

“Kami’y kinakain nila,” ang sabi ng mga kulisap. “Kapag kami ay nakita nila ay hinuhuli kami at iyon na ang katapusan ng aming buhay.”

“Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag,” ang wika ng sampaguita.
“Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag,” ang sabi ng isang kulisap. “Kaya kami ay pakaunti nang pakaunti.”

“Mauubos nga kayo kung ganyan, kaawaawa naman kayo" ang wika ng sampaguita.

“Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin,” Ang wika ng mga kulisap.

“Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking puno?” ang tanong ng sampaguita.

“Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabag-kabag,” ang sagot ng isang kulisap.

 “Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag,” ang dugtong ng isang kulisap.

“Sila ay nasisilaw sa liwanag,” ang dugtong pang uli ng isang kulisap.

“Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag, tuturuan ko kayo kung ano dapat ninyong gawin.” ang sabi ng sampaguita. “

“Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?” ang tanong ng bawa’t kulisap.

“Bawa’t isa sa inyo ay magdala ng apoy, “Pagkatapos ay magsabay-sabay kayong lumabas. Matatakot sila sa inyo. Hindi nila kayo malalapitan” ang sabi ng sampaguita.

“Oo nga, siya nga!” ang sabay-sabay na sabi ng ilang kulisap.

Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang bawa’t isa sa kanila ay nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay silang lumabas. Naku! Para silang alipatong lumilipad. Hindi nga naman sila malapitan ng mga kabag-kabag.

Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila nang paikut-ikot sa punong sampaguita.

“Salamat sa iyo, Sampaguita. Kami ngayon ay malaya na.”

Mula na noon tuwing lalabas ang mga kulisap pag madilim ang gabi nagdadala sila ng apoy. Ang mga kulisap na iyon din ang tinatawag ngayong “ALITAPTAP.”

Pangalawang Bersyon:

Ilang libong taon na ang nakakaraan nang magkaroon ng matinding tagtuyot sa mundo. Ang mga pananim ay nanuyot at nasira at pati na rin ang mga alagang hayop ay nagkasakit at namatay. Walang ulan at ang mga ilog ay natuyo na rin dahil sa init ng sikat ng araw.

Taimtim na nagdasal ang mga tao upang magkaroon ng ulan. Sumayaw-sayaw sila at nag-alay ng kung anu-anong sakripisyo ngunit walang ulang bumagsak maski ulap ay walang nabuo. Mas lalo pa ngang tumindi ang sikat ng araw.

Nawawalan na ng pag-asa ang mga taombayan nang dumating ang isang mahiwagang mag-asawa, si Bul-an at si Bitu-in. Ayon sa mag-asawa, narinig ni Bathala ang kanilang mga panalangin at ipinadala sila upang tulungan ang mga taombayan. Di nga naglaon ay dahan-dahan pumatak ang ulan at hindi ito tumigil hanggang sa napawi ang pinsalang dulot ng tagtuyot.

Naging mas masagana ang mga pananim at ang mga alagang hayop ay naging mas malulusog. Dahil dito, itinakda ng mga taombayan ang mag-asawa na kanilang mga pinuno. Pinaunlakan naman ni Bul-an at Bitu-in ang nais ng taombayan. Naging mabuti silang mga pinuno at umasenso ang nasabing bayan.

Mayroong anak ang mag-asawa, ito ay si Alitaptap. May malaking bituin na naka-ukit sa noo ni Alitaptap; ito ay nagpapatunay na siya ay di pangkaraniwang nilalang. Marami ang nagnais na makuha ang kamay ng dalaga upang mapangasawa. Maging ang kanyang ama ay pinipilit si Alitaptap na pumili na ng mapapangasawa upang sa ganoon ay magkaroon sila ng mga anak na magiging makikisig mandirigma. Ngunit matigas ang puso ng dalaga at ayaw nitong magpakasal sa kahit sino. Wala raw itong nararamdaman na kahit ano. Marahil ito ay dahil nga sa hindi tao ang dalaga.

Isang araw, isang manghuhula ang nagsabi kay Bul-an na masasakop ang kanilang bayan sa hinaharap kung hindi makakapangasawa si Alitaptap at hindi magkaka-anak ng lalaki. Ipinatawag ni Bul-an ang anak at pinagsabihang kinakailangan na nitong magpakasal sa lalong madaling panahon. Ngunit si Alitaptap ay walang nararamdamang maski anong emosyon kung kaya’t ayaw pa rin nitong magpakasal.

Nagalit ang kanyang ama ngunit maski anong gawin nitong pilit ay wala pa ring imik si Alitaptap. Napuno ang galit ni Bul-an. Kinuha niya ang kanyang tabak at hindi nakapagpigil ay hinampas niya ang kanyang anak. Tumama ang tabak sa malaking bituin sa noo ng dalaga at nabasag ito sa libu-libong piraso. Samantala, wala ng buhay ng bumagsak ang dalaga sa sahig. Ang mga munting makinang na piraso ng bituin sa noo ni Alitaptap ay unti-unting nagkaroon ng buhay; lumipad at nilisan ng mga ito ang palasyo. Ang mga ito ay ang tinatawag natin ngayon na mga Alitaptap.

Nagkatotoo ang naging hula at dahil sa walang mandirigma ang naipanganak mula kay Alitaptap ay nasakop ang kanilang bayan at natapos ang pamumuno ni Bul-an at Bitu-in.

Monday, July 1, 2019

Alamat ng Ahas

8:28:00 PM 3 Comments

Unang Bersyon:

Bago pa man gumagapang ang mga ahas ay dati na silang may mga paa. Tulad ng iba pang mga
hayop, ang mga ahas ay may apat na paa na kanilang ginagamit upang makalakad. Sa gubat, tinuruan ng isang guro ang mga magkakaibigang kobra, sawa at dahong palay ng pagtatanggol sa sarili. Ang mga ito ay tinuruan ng guro sapagkat napansin nito na ang mga ahas ay maliliit at palagi silang kinakawawa ng mga mas malalaking hayop.

Matapos ang kanilang pag-aaral, natuto nga ang mga ahas ng kakayahang ipagtanggol ang sarili. Mahigpit na ipinagbilin ng guro sa mga ito na wag gamitin ang natutunang kakayahan sa paghahambog lamang. Ito ay gagamitin lang nila kung kina-kailangan at sa mabuting layunin lamang.

Ngunit dahil sa bagong natutunan, naging mataas ang tingin ng mga ito sa sarili. Saan man sila magpunta ay pinagyayabang nila na itinuro sa kanila ng guro ang kakayahan na ipagtanggol ang sarili maski mas malaki pa ang kalaban.

Isang araw, ang mga ahas ay nagkatuwaan at nagpustahan kung sino sa kanila ang pinakamagaling. Nagpatagisang gilas silang tatlo. Dahil dito, ang lahat ng mga hayop sa gubat ay nagkagulo. Sumakit ang katawan ni Leon ng pilipitin ni kobra. Iika-ika si elepante matapos sipa-sipain ni sawa ang kanyang mga binti. Si matsing naman ay napagod at hinihingal sa katatakbo upang maiwasan ang mga suntok ni dahong palay.

Narinig ng guro ang ginawa ng mga tinuruan niyang ahas. Napa-iling ito at nag-isip kung paano niya tuturuan ng leksiyon ang mga hambog at malilikot na hayop. Matapos mag-isip ay hinanap niya ang mga ahas.

Nang makita ng guro ang mga ahas, ito ay nagdasal. Napatulog niya ang mga ito. Itinali niya at inipit ang mga paa ng malilikot na ahas at pinutol ang mga ito.

Nagising ang tatlo at nakita ang putol nilang mga paa. Nasa tabi nila ang kanilang guro. Pinaunawa ng guro na kaya niya pinutol ang mga paa nito ay dahil sa naging hambog ang mga ito dahil sa panibagong natutunan. Pinagsabihan niya ang mga ahas na simula noon ay wala na silang paa at gagapang na lamang sila para makalakad. Hindi na rin nila magagamit ang kakayahan sa pagtatanggol dahil hindi sila karapat-dapat para dito.

Simula noon ay gumagapang na lang ang mga ahas. Dahil hindi na rin nila magamit ang kakayanan ng pagtatanggol at sa hiyang dinulot ng pagkakaputol ng paa, sila ngayon ay naging mailap sa ibang mga hayop. Nagtatago sila at nag-aantay ng tamang pagkakataon upang umatake sa kanilang biktima.

Pangalawang Bersyon: Saan nanggaling ang Ahas

Sa isang nayon sa katagalugan, may naninirahang isang mag-ina. Ang biyudang si Aling Sima at ang
kanyang anak na si Masung. Bagama’t malaki ang pangangatawan ni Masung ay sobra naman ang kanyang kawalang-hiyaan. Sa halip na makatulong siya sa ina ay pabigat pa siya rito.

“Ano kaba naman, anak. Sana man lang ay linangin mo ang lupang iniwan ng iyong ama. Sayang na lang ang pagpapalaki ko sa iyo. Inubos mo lamang ang pera sa pag-inom ng alak,” ang wika ni Aling Sima.

“Ayan na naman kayo. Pagod ako at huwag ninyong isusumbat sa akin ang ibinibigay ninyong pera sa akin dahil sa tungkulin ninyong bigyan ako ng pera!” ang sagot ni Masung.

Walang nagawa si Aling Sima kundi ang tumahimik. Alam niyang walang patutunguhan ang pag-uusap nilang mag-ina dahil sa maling katuwiran ng anak. Hindi lang ubod ng tamad si Masung, siya ay ubod pa ng takaw. Hirap na hirap na ang kanyang ina sa bukid samantalang siya ay naroon at sarap sa pagtulog. Tamad na nga siya ay basagulero pa.

Isang araw, natutulog ang matanda nang gulantangin ito ng ingay ng pinto. Humahangos si Masung at naghahanap ng gulok dahil may nakaaway siya. Walang nagawa si Aling Sima kundi ang sumigaw at humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay. Anim na lalaki ang nagtulung-tulong para lamang mapigil sa pakikipag-away si Masung. Marami nang sinaktang tao si Masung kapag ito ay nagwawala kaya’t siya ay kinatatakutan.

Isang araw, wala siyang inabutang pagkain sa bahay. Gutom na gutom pa naman siya. Galit na galit na pinuntahan niya sa silid ang kanyang ina at pabulyaw na nagsabing, “Bakit hindi ninyo ako ipinaghanda ng pagkain?”

“Anak may sakit ako. Wala akong lakas.”

“Kayo may sakit? Arte lang ninyo iyan. Sige bumangon kayo riyan at ipagluto ninyo akong pagkain!”

“Anak, parang awa mo na. Ikaw na muna ang maghanda ng iyong makakain,” ang lumuluhang sabi ni Aling Sima.

“Ako!!! magluluto..ano ako babae!. Hindi maaari, sige bumangon kayo at magluto!” ang bulyaw ni Masung na sabay sipa sa ina.

Sa kawalanghiyaang inasal ng anak ay hindi na nakapagtimpi pa si Aling Sima at nagwika ng, 

“Walang utang na loob, lapastangan na anak, ikaw na ubod ng tapang ay gagapang sa lupa at kailanman ay hindi ka na makakatayo sapagka’t habang buhay kang gagapang. Mananatili ang iyong kabagsikan at lalo kang katatakutan ng mga tao.”

Tinawanan lamang ni Masung ang sinabi ng ina. Lumayas siya at sa paglalakad niya sa bukid ay bigla siyang nalugmok. Hindi niya maitayo ang kanyang mga paa. Naramdaman niyang unti-unting humahaba at pumapayat ang kanyang katawan hanggang sa tuluyang mawala na ang kanyang mga paa’t kamay. Huli na nang magsisi siya.

Samantala, ang kanya palang kaaway ay lihim siyang sinusundan. Nasaksihan niya ang pagbabago sa katawan ni Masung. Nagdatingan pa ang ibang tao. Nakita nila ang mahabang hayop sa lupa na gumagapang sa damuhan. Nang makita niya ang mga tao ay umakma siyang manunuklaw at sa takot ay nagpulasan ng takbo ang mga tao.

Magmula nga noon ay nilayuan na ng mga tao ang damuhang iyon sa takot na matuklaw sila ni Masung – ang taong naging ahas na siyang pinagmulan ng unang ahas.

Thursday, June 6, 2019

Alamat ng Mais

1:14:00 PM 0 Comments
Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng mga gulay. Ito ay kanilang binebenta at kung minsan ay kanila na ring kinakain.

Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Tinawag nila itong Maita. Ang bata ay may maganda, madulas at malambot na buhok. Kapag nasisinagan ng araw, ang buhok ni Maita ay naninilaw na parang ginto. Mahilig ang bata na mag-ayos sa sarili. Upang mapanatili nitong maganda at malambot ang buhok ay halos minu-minuto nitong sinusuklay at inaayos ang buhok.

Kadalasan pinagsasabihan si Maita ng kanyang ama na itigil ang sobrang pagsusuklay at tumulong naman sa gawaing bahay. Ngunit natutuwa ang kanyang ina sa pagiging maayos nito sa sarili kaya’t hinahayaan lang niya ito. Bata pa naman daw si Maita; magsasawa din ito sa kanyang buhok at balang araw tutulong din daw siya sa mga gawaing bahay.

Subalit, nagkamali ang kanyang nanay. Sa halip mas lalo pang tumindi ang paghanga nito sa sarili at sa kanyang buhok. Kung noon ay minuto lang ang ginugugol nito sa pagsusuklay at pag-aayos ng buhok, ngayon ay inaabot siya ng ilang oras kung minsan pa nga ay buong araw.

Isang araw, nagkasakit ang kanyang ama. Kinailangan ng kanyang ina na magbenta ng kanilang pananim na gulay upang sa ganoon ay meron silang pambili ng makakain at ng gamot para sa ama.

Mahigpit na pinagbilinan ng kanyang ina si Maita na gawin ang mga gawaing bahay. Ipinagbilin niyang mag-luto siya ng makakain at siguradong gabi na ito makakauwi mula sa bayan. Bantayan daw siya ang kanyang ama at pakainin na rin ito upang lumukas. Pinaalala din niyang huwag kalimutang diligan ang kanilang mga tanim na gulay sapagkat tigang ang lupa sa kanilang bakuran. Nayayamot na pumayag ang bata. Siya na raw ang bahala sa kanyang ama at sa kanilang bahay.

Uumpisahan na sanang gawin ni Maita ang mga pinag-uutos ng kanyang ina nang siya ay mapadaan sa kanilang salamin at masulyapan ang kanyang buhok. Napatigil ito at kinuha ang kanyang suklay. Naisip ng bata na maaga pa. Mag-aayos daw muna siya ng kanyang buhok. Nagsuklay nga ng nagsuklay si Maita. Nawili ito at hindi napansin ang mga nagdaang oras. Maging ang mahinang pagtawag ng kanyang ama na humihingi ng makakain ay hindi narinig ng bata. Abala ito sa pag-aayos ng kanyang magandang buhok.

Lumubog na ang araw at dumating na ang ina ni Maita. Nagtataka ito ng makita ang kanilang mga pananim na gulay na natuyo dahil sa hindi nadiligan buong mag-hapon. Hinanap nito si Maita at nakita nga niya ang anak na abalang nagsusuklay sa harap ng salamin.

Pinagalitan si Maita ng kanyang ina dahil sa wala man lang itong nagawa sa mga pinagbilin sa kanya. Maging ang pakainin ang may sakit na ama ay hindi nagawa ni Maita. Mariing wika ng matanda sa bata na sana ay numipis na lang ang kanyang buhok upang sa ganoon ay hindi na niya ito pag-aaksayahan ng panahong suklayin. Bukas na bukas din ay ipapaputol na raw ng matanda ang buhok ni Maita. Umiiyak na tumakbo palabas ang bata. Ngunit hindi na ito sinundan ng ina, nagpunta ito sa kusina upang ipagluto ang asawang nanghina lalo sa gutom.

Nang mahimasmasan sa galit ang ina ni Maita ay hinanap niya ang bata sa bakuran ngunit hindi niya ito nakita. Ipinagtanong din niya ito sa mga kapitbahay ngunit walang nakakita sa bata. Matagal na hinanap ng ina si Maita subalit walang may alam kung nasaan ang bata.

 Isang umaga nang nagwawalis sa may bakuran ang ina ay may nakita itong bagong halaman na umusbong. Ito ay may mahahabang dahon. Diniligan ito ng matanda. Makalipas ang ilang lingo ay nagkabunga ang halaman. Nang pitasin at balatan ang bunga, nakita ng mag-asawa na ito may butil-butil na kulay dilaw. Ang bunga ay may mga maninipis ding ginituang buhok na ubod ng dulas at ganda. Naluha ang mag-asawa ng makita ang magandang buhok. Naalala nila ang buhok ng anak nilang si Maita na ganoon na ganoon ding madulas at maganda.

Naisip nilang parehas na marahil ito na nga ang nawawalang anak. Simula noon, tinawag nilang mais ang halaman.

Tuesday, March 20, 2018

Ang Alamat ng Saging

10:46:00 PM 20 Comments
Noong unang panahon, isang magandang babae ang nakakilala ng isang kakaibang lalaki. Ito ay isang engkanto. Masarap mangusap ang lalaki at maraming kuwento. Nabihag ang babae sa engkanto. Ipinagtapat naman ng engkanto na buhat siya sa lupain ng mga pangarap, at hindi sila maaaring magkasama. Gayunman, umibig ang babae sa lalaki.



Isang araw, nagpaalam ang binata. Sinabi niyang iyon na ang huling pagkikita nila. Nang magpaalam ang engkanto, hindi nakatiis ang babae. Ayaw niyang paalisin ang lalaki. Maghigpit niyang hinawakan ang kamay ng lalaki para huwag itong makaalis. Pero nawala ang lalaki, at sa matinding pagkabigla ng babae, naiwan sa kanya ang kamay nito. Nahintakutan ang babae. Dali-dali niyang ang kamay sa isang bahagi ng bakuran.



Kinaumagahan, dinalaw niya ang pook na pinagbaunan ng kamay. Napansin niyang isang halaman ang tumutubo. Makaraan ang ilang buwan, tumaas ang puno na may malalapad na dahon. Nagkabunga rin ito na may bulaklak na itsurang daliri ng mga kamay. Ito ang tinatawag na saging ngayon.

Thursday, June 15, 2017

Ang Alamat Ng Aso

5:17:00 AM 0 Comments
Kina iinggitan ang mabuting samahan ng mag-kaibigang Masong at Lito. Bata pa sila ay ay lagi na silang magkasama. Lagi nilang inaalala at nag-aalala sa ang isa't isa. Lagi rin silang magkasama sa bawat lakaran.

Nanatili ang magandang samahan ng dalawa hanggang sa kanilang pagbibinata. Naging bahagi na ng buhay nila ang pag tutulungan. Mula sa paggawa sa bukid hanggang sa pangangahoy sa gubat ay lagi silang magkasama.

Isang araw hindi inaasahan nan a nagkaroon ng malubhang sakit Masong. Humantong iyon sa kamatayan ng binatilyo, labis na nagluksa si Lito. Hindi niya matanggap na wala na ang nag iisa nyang kaibigan. Araw-araw niyang dinadalaw ang puntod nito at nililinis. Madalas ay kinakausap rin niya ito na parang nasa tabi lang at nakikinig sa kanya.

Minsa ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting lakad lang ay hilung-hilo na siya. Pinigilan siya ng ina sa pagdalaw sa libingan ni Masong. Ilang araw ding naramdaman ni Lito ang pagka hilo.

Sa buong panahon ng pagkakasakit ay may isang maliit na hayop na umuwi kina Lito. Lagi
 iyong itinataboy ng ina ngunit balik nang balik sa tapat ng silid ng binatilyo na tila nagbabantay sa kanya.

Nang mabawi ang lakas ay ang puntod ni Masong ang unang pinuntahan ni Lito. Doon ay nakita niya ang hayop na araw-araw na itinataboy ng ina. Nakatayo iyon sa tapat ng puntod. 

Hindi na humiwalay ang hayop hanggang sa pag-uwi niya. Natu-tulog ito sa paanan niya at pag-gising niya sa umaga ay sasalubungin siya ng tahol at kawag sa buntot nito. Dahil sa hayop ay nalimot ni Lito ang lungkot ng pagkamatay ni Masong.

Pinangalanan niyang Masong ang hayop pero nang lumaon ay naging aso ang tawag dito.

Wednesday, March 8, 2017

Ang Pangarap ng Diwata

5:24:00 AM 0 Comments
Sa isang kagubatan ay masayang nag lalaro ang lambana at iba pang uri ng engkanto na tahimik na nag babantay sa isang kagubatan. Isa na dito si Wana isang diwata na nais magkaroon ng kaibigang tao. Subalit isang daang taon na siyang nabubuhay sa mundo ay wala parin siyang nakikilala ni wala siyang ideya kung ano ang itsura ng tunay na tao. Narinig lamang niya iyon sa isang tikbalang na nakakita daw ng tao sa isang kakahuyan nuong bata pa lamang siya. Simula nuon ay ninais na niyang makakita ng tunay na tao.

Ang kaharian ng mga engkanto na gaya ni Wana ay sa likuran ng mga punong malalaki at
walang nkakapasok na kahit anong nilalang na galing sa labas ng kanilang kaharian o kahit anong nilalang na may isip na galing sa gubat. Maganda sa kanilang kaharian , masaya , walang problema. Ang lahat ng engkanto ay mag kakasundo at masayang nag lalaro. Subalit ang engkantong si Wana ay nag nanais ng kakaibang karanasan. Nais niyang lumabas sa kanilang kaharian at makita at makakilala ng mga tao.

"Naku hindi kaba masaya dito sa ating kaharian Wana?

Minsang tanong nga kaibigan nitong si Yumi, isa ring diwata.

"Masaya, kaso nag sasawa na kasi ako dito sa ating kaharian."

Sagot niya dito na walang kagatol-gatol.

Isang gabi habang nagpupulong ang pamilya ni Wana kasama siya at mga kapatid niya. Ay nasambit nya sa kanyang ama na nais niyang lumabas ng kaharian at makakita ng tao. Hindi niya inaasahan ang pag sagot nito sa kanya ng tinanong niya kung maari ba.

"Hindi maari! Hindi mo ba alam na masasama ang mga tao at mapanakit sila sa katulad nating mga engkanto? "

Ikinagulat ito ng diwata at hindi na lamang kumibo , subalit sa kanyang utak at isipan ay hindi pa rin iyon naalis. Narinig niya noon na mababait daw ang mga tao at hindi nanakit. Subalit bakit ganun ang sinabi ng kanyang amang engkanto?

Sa mga panahon at araw na lumilipas ay lalong nanabik ang diwata na makalabas sa kanilang kaharian.

Naglalakad ang dalagang engkanto isang araw sa isang masukal na daanan upang kumuha
ng prutas at pagkain na dadalhin niya sa kanilang tanahan ng isang mangkukulam ang nakasalubong niya at tinitigan siya nito ng matagal. Napahinto siya sa pag lalakad at tinanong ang matanda kung bakit siya nito tinitignan. Subalit iba ang sinagot nito sa kanya.

"Matutulungan kita sa pangarap mo. Kaya kong ibigay sa iyo ang daan upang makalabas dito sa ating kaharian at makakilala ng mga tao na pinapangarap mo. "

Nagulat ang magandang diwata at nag tanong siya sa matanda.

"Paano nyo po nalaman iyon?"

Tumawa lamang ito at nag salita.

"Ang tahanan ko ay nasa dulo ng gulod na iyon maari mo akong puntahan para akin kitang matulungan."

Isang kisap lamang ay nawala na ito sa kanyang paningin. Dali dali na lamang umuwi ang diwata sa kanilang tahanan at hindi na kumha ng pagkain.

Matagal na pinag isipan ni Wana ang pag punta sa bahay ng mangkukulam na nakatira sa gulod. Nabuo ang kanyang desisyon na puntahan iyon. Naglalakad na siya papunta roon ng makadama siya ng panlalamig sa katawan. Subalit hindi niya iyon pinansin. Hanggang sa makarating siya sa gulod. Nakita niya ang munting kubo na nakatayo sa ilalim puno at natatakpan na iyon ng mga ugat at makakapal na dahon. Lumapit siya sa bahay at tangka na niyang katukin iyon ng bigala itong bumukas at nagulat siya sa pag-labas ng matanda mula roon.

"Kanina pa kita hinihintay dahil alam kong darating ka"

Malamig na salita ng mangkukulam sa kanya.

"Tungkol po ito sa sinabi ninyo sa akin nuong nakaraang mag kasalubong tayo."

Ngumiti ang nakakatakot na matanda. Lumabas ang maiitim nitong ngipin at lalong kumulubot ang balat nito sa mukha.

"Nais kong pumunta sa lupa kung saan nakatira ang mga tao"

"At ano ang magiging kabayaran nito?"

Nagulat ang diwata sa sinabing iyon ng matanda. At napapapayag siya nitong ibigay ang gintong suklay na suot suot niya.

Binigyan siya ng matanda ng isang sambit ng magbubukas ng pinto patungo sa lugar ng mga mortal. Sa ilog niya ito gagawin subalit siya lamang ang pwedeng gumamit non at hindi na siya makakabalik oras na gawin niya iyo, Ngunit nanaig pa rin sa kanya ang kanyang nais.

Kabilugan iyon ng buwan buwan ng magpunta siya sa ilog. Sa malaking bato na nakaharang papunta sa malaking talon ay binigkas niya ang sambit na ibinigay sa kanya ng matanda upqng buksan ang pintuan na itinuro sa kanya nito.

Mahabang panahon na rin ang nakakalipas simula ng hindi nabubuksan ang pintuan patungo sa mundo ng imprtal. At pinag babawala na ang pag bukas nito dahil mapanganib na sa mga engkantong naninirahan dito.

Yumanig ang paligid at umabot ito sa buong kaharian ng mga engkanto. Na alarma ang mga naninirahan dito subalit ilang sandali pa ay may liwanag na lumabas mula sa liwanag galing sa bato. Na mangha ang diawata subalit takot naman iyon sa ibang engkantong nakaramdam niyon.

"May nagbubukas ng pintuan patungo sa mortal. " wika ng matandang tikbalang sa mga kapawa engkantong nasa loob ng tahanan nito.

"Masama ang pangitaing ito. Hindi nakakabuti. Kailangan nating isara ang pinto ngayun din."

Dali dali nilang pinuntahan ang ilog at nagulat sila ng nakabukas na ang pinto. Isinara nila iyon sambit ang ibang bulong na alam ng mga matatandang engkanto.

Nakalabas na si Wana, nakita niya ang paligid naglakad lakad siya at may nakita siyang isang tahanan sa sa tabi ng puno. May naglalarong bata sa tabi nito. Tangka niyang lapitan ito subalit ng makita siya nito ay dali-dali itong nag tatakbo at pumasok sa loob ng bahay. Sinundan niya ito, kumatok siya sa pinto at natanaw nya mula sa bintana ang takot na takot na itsura ng bata.

Nagtataka siya sa kakaibang itsura ng bata. Maliit ang tainga nito hindi katulad ng sa kanya. Kakaiba ang kasuotan na suot nito. Samantantalang ang kanya ay dahon lamang na tuyo na pinag tagpi-tagpi. Mayroon siyang mahabang buhok na umaabot na sa kanyang tuhod. Lalapitan sana niya ang bata ng bigala siya nito sinigawan. Subalit hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Natakot siya ng inambahan siya nitong babatuhin ng hawak nitong parang isang matalim na bagay. Dali dali siyang nag tatakbo palayo, nanginginig ang kanyang katawan.

Padilim na subalit lakad pa din siya ng lakad. Gutom na gutom na sya subalit walang pag kain siyang nakikita. Sa sobrang pagod at gutom na nararamdaman niya ay nanghina siya at bumagsak sa tabi ng isang puno.

Nagising na lamang siya na nakatutok ang muka ng isang bata at isang matandang babae sa kanya. Nakangiti ang dalawa sa kanya. Animoy nakikipag kaibigan sa estrangherong hindi nila kakilala. Nginitian siya nito. Nagsalita ang matanda. Subalit gaya ng nauna hindi rin niya ito naintindihan. Binigyan siya ng bata ng isang bagay. Alam niyang bunga iyon ng punong kahoy. inamoy niya ito at dahan dahan niyang kinagat. Kinain niya iyon at naubos niya ang binigay pa ng matanda sa kanya. Matahimik siya ng bigla siyang kalabitin ng matandang babae. Nakangiti ito at nag salita. Nagulat siya ng mag salita ito ng katulad ng kanilang lengwahe.

"Anong pangalan mo diwata?"

Tanong nito

"Wana po."

Kinuwento ng diwata kung paano siya napunta sa mundo ng mga mortal at kung bakit siya nag punta dito. Lumongkot ang mukha ng matanda at humarap ito sa kanya.

"Isa din akong diwata kami ng apo ko ay nakatira sa kaharian na pinaggalingan mo din. Subalit umalis ako doon upang sundan ang aking yumaong anak dito. "

Lumongkot din ang mukha ni Wana. Nauunawaan niya nag matanda.

"Hindi maganda ang naging trato ng mga tao sa katulad nating engkanto. Muntik na kaming mapatay ng mga tao. Mabuti na lamang at may natitira pa akong kapangyarihan noon. Humina ng humina ang aking katawan simula ng umalis ako sa kaharian. Sa ngayon ako ang katulad na lamang ng isang mortal. Subalit ninanais ko pa rin na masilayan ang kaharian na aking pinaggalingan. "

Nakaramdam ng pagsisi si Wana hindi na sana niya ninais ang ganito. Lumipas pa ng

lumipas ang panahon., Nasa lugar pa rin ng mortal ang diwatang si Wana. Nakakaramdam
na siya ng panghihina. Nasa labas ng bahay si Wana ng bigla na lamang may bumato sa kanyang ulo dahilan upang bumagsak ito. Nakita niya ang isang lalaki na papalapit sa kanya may hawak itong matalim na bagay at patutuko sa kanya..Kahit nanghihina ay dali daling siyang bumangon at nag tatakbo siya paloob sa bahay ng matanda. Umiiyak ang diwata. pinag babato ng tao ang bahay na pinag tataguan nito. Takot na takot ang diwata. Nawala na ang ingay sa labas. Nawala na rin ang lalaking nais siyang saktan. Dumating ang matanda at yumakap siya sa lola. Nais na niyang bumalik sa kanilang kaharian. Ayaw na niya sa mundo ng mga mortal . Ayaw na niyang mag-tagal pa dito. Gusto na niyang umuwi kung saan siya talaga nakatira.


Dumating na ang panahon para makabalik siya sa kanyang mundo. Sa tulong ng matandang tumulong sa kanya. Nag-punta sila sa ilog na pinanggalingan niya ng siya ay lumbas, ngunit hindi iyon naging mabuti sa kanilang pag alis. Isang grupo ng mga tao ang nakakita sa kanya at tinatangka siyang hulihin papalapit ito sa kanila, natakot ang diwata. Sinubukan sila nitong saktan sa pamamagitan ng pag babato ng mga matitigas na bahay. Palapit na iyon sa kanila ng bigkasin ni Wana ang sambit na tanda niya. Sa kamalasan ay tinamaan ang matandang diwata bumagsak ito at umiiyak na nag salita.

"Umalis na kayo at isama mo na ang apo ko... malapit ng magsara ang pintuan. At kayong dalawa na lamang ang may kakayahan upang makapasok sa pintuan."

Umiiyak ang bata at ang diwatang si Wana. Ayaw niyang iwanan ang matanda subalit, kailangan niyang maisalba ang buhay niya at ng bata. Dali dali niyang kinarga ang bata at patakbong tumalon sa pasara ng lagusan. Huli na lamang niyang narinig ang umiiyak na nasasakatang matanda.

Nakabalik na nga siya at ligtas na. Sa lagusan ay nakita niya ang kanyang pamilya at kaibigan kasama ang mga iba pang engkanto. Sinalubong siya nito at niyakap.

Umiiyak siya at malungkot na nagsalita.

"Patawwad po ama hindi ko kayo sinunod, hindi ko na po uulitin. "

Simula noon ay hindi na pumasok sa isipan niya na ang mundo na mananakit at sisira sa kanya.